-->

Woyengi: Sa Kaharian ng Isembi

By Unknown - Enero 04, 2018



Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi
Dula
Malayang salin ni Moreal Camba ng "Woyengi - Eksena III" ni Obutunde Ijimere


I. PAGKILALA SA MAY-AKDA


(Ulli Beier, ika-30 ng Hunyo, 1922 - ika-3 ng Abril, 2011)

                    Si Obutunde Ijimere, kilala rin bilang Ulli Beier, ay isang German Jewish editor, manunulat, at iskolar na nagkaroon ng pangunahing papel sa pagpapaunlad ng literatura, drama at panulaan ng Nigeria at Papua New Guinea. Siya ay kilala rin sa pagsasalin ng mga tradisyonal ng panitikan ng Nigeria sa Ingles. Siya ay umusbong bilang isa sa mga iskolar na nagpakilala ng mga Afrikanong manunulat sa pangmalawakang mambabasa. 

                    Nang si Beier ay nasa unibersidad pa lamang, siya'y nalipat mula sa Phonetics Department papuntang Extra-Mural Studies Department. Dahil dito ay naging interesado siya sa tradisyonal na cultura at mga sining ng Yoruba. Kahit siya ay isang guro sa Yoruba, pinalawig pa niya ang kanyang mga kaalaman tungkol sa komunidad ng nito at tumira sa iba't ibang lugar dito. Dahil sa kaniyang mga sumunod na gawa tungkol sa pag-aaral ng kultura ng Yoruba, siya ay ginawaran bilang isang pandangal na pinuno ng Yoruba.

                    Dahil dito ay nagawa niya ang "The Origins of Life and Death: African Creation Myth" at dito nailagay ang "Ogboinba: An Ijo Creation Myth" ni Gabriel Okara na siya namang ginawang dula ni Beier na ang pangalan ay "Woyengi".



II. URI NG PANITIKAN

                    Ang "Woyengi: Sa Kaharian ni Isembi" ay isang halimbawa ng dula. Ang dula ay isang akdang pampanitikan na may layuning itanghal sa entablado sa pamamagitan ng kilos, gawa at pananalita sa harap ng manonood katulad ng ibang panitikan.

                    Ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likhang malikhain at malayang kaisipan. 







III. LAYUNIN NG AKDA


                    Layunin ng akdang ipakita at ipamalas ang kalakasan ng kababaihan. Sila ay hindi dapat minamaliit at ibase lamang sa kanilang kasarian ang kanilang kalakasan. Isa ring layunin ng akda ay ang ipakita na hindi sa lahat ng oras ang isang tao ay makapangyarihan at malakas.

Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan: Magagamit ang teoryang Feminismo sapagkat ang teoryang ito ay naglalayong ipakilala ang kalakasan at kakayahang pambabae at naglalayong iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.

Dahil sa sitwasyon sa dula kung saan pinapili si Ogboinba kung kapangyarihan ba o ang pagkakaroon ng anak, magagamit rin dito ang teoryang Eksistensyalismo dahil 
ipinapakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili bilang kanyang pananatili sa mundo.

IV. TEMA O PAKSA NG AKDA

                 Ang tema ay tungkol sa mga kababaihan na hindi dapat minamaliit dahil kaya rin ng mga babae ang mga ginagawa ng mga kalalakihan. Isa pa, ang tema rin ay tungkol sa pagiging mapagkumbaba. Huwag nating hayaan na may matapakang kapwa dahil lahat tayo ay pantay-pantay dapat ang pagtingin sa isa’t-isa.



V. MGA TAUHAN O KARAKTER SA AKDA




1. Isembi - Siya ang Hari ng Kagubatan. Mayroon siyang dalawang nilalang na mukhang ibon na sumisimblo sa kaniyang espiritung kapangyarihan. Isang aroganteng tao na may paniniwalang hindi siya maaaring suwayin ninuman, lalo na ng mga babae.

2. Ogboinba - Siya'y isang mortal na nanggaling sa mundo ng mga tao. Malakas, matapang na babaeng lumaban kay Isembi at hindi hahayaang maging sunud-sunuran ninuman. Ang kanyang anak ang naging kapalit upang magkaroon ng kapangyarihan. Siya'y isang maawing tao, at hindi basta-bastang pumapatay ng kahit sino man. Siya'y mayroong dalawang espiritung kapangyarihan.



VI. TAGPUAN O PANAHON

                    Ang tagpuan ng dula ay sa isang gubat na pinamumunuan ni Isembi na siya namang pinasok ni Ogboinba.



VII. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

                    Kung babasahing mabuti ang akda, ang mga pangyayari ay karaniwang nangyayari sa totoong buhay. Mga taong minamaliit ang kababaihan dahil sa kanilang kasarian. Ngunit nang naglaon ay naipamalas naman na ang kababaihan ay kaya ring lumaban, at makipagsabayan sa mga kalalakihan. Ngunit ito rin ay may halong piksyon, katulad na lamang ng pagkakaroon ng mga espiritung kapangyarihan.



VIII. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

                    Ang akdang ito ay naglalaman ng magagandang kaisipan na maaari nating magamit sa totoong buhay sapagkat ito ang mga karaniwang problema sa kasalukuyan. Ang mga ideya at kaisipang ipinamalas rito ay:
  • Huwag maliitin ang mga kababaihan
  • Ang pagmamataas sa kapwa ay hindi nakukuhanan ng magandang kabayaran at ito ay maaari lamang ikapahamak
  • Huwag agad magdesisyong pumatay ng isang tao dahil siya ay maaari pang magbago at maaari pa niyang ibahin ang kanyang masamang ugali



IX. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

                   Ito ay ginamitan ng estilong "Expository Writing". Ito ay nagpapaliwanag ng isang konsepto o ideya habang naglalaman ng detalye na nagiging suporta sa ideya o konsepto. Ang expository writing ay pormal at diretso sa punto ng ideya.



X. BUOD

                    Nakarating sa isang gubat si Ogboinba, isang babaeng mortal na may dalawang espiritung kapangyarihan sa isang gubat na pinamumunuan ni Isembi, hari ng kagubatan, na may dalawang nilalang na mukhang ibon na sumisimbolo rin sa kanyang espiritung kapangyarihan. Nang magkita ang dalawa'y sinabihan ni Isembi si Ogboinba na huwag nang tumuloy, ngunit hindi nagpatinag ang babae't hindi sumunod sa hari. Dahil dito ay nagalit si Isembi, sinasabi na walang sinuman ang sumuway sa kaniyang utos at hindi niya matatanggap na sinuway ng isang babae ang kaniyang utos. Kahit nahamak ang pagkababae ni Ogboinba ay hindi ito nagpatalo, sa halip ay naghamon pa ng duwelo. Dito na nagsimula ang kanilang laban. Nagdasal si Isembi, dahilan ng pagkakawala ng mga espiritung kapangyarihan ni Ogboinba at napunta sa kanya. Nanghina si Ogboinba, ngunit bago pa man matapos si Isembi sa kanyang dasal ay siya naman ang nagsimula. Dahil sa kanyang dasal, nanumbalik sa kanya ang kanyang mga espiritung kapangyarihan, at si Isembi ay nanghina. Natalo ni Ogboinba si Isembi, at nag-iwan pa ng mensaheng isang hangal si Isembi, at isa lamang umano siyang haring walang kapangyarihan. Kahit na karapat-dapat mamatay si Isembi ay hindi ito ginawa ni Ogboinba, at siya'y lumisan na sa lugar na iyon.



  • Share:

You Might Also Like

0 (mga) komento

Ang Pinili ni Uncle Ben

ANG PINILI NI UNCLE BEN Isinalin ni Delfin Tolentino Jr. Mula sa 'Uncle Ben's Choice' ni Chinua Achebe Sinuri ng ika-Unang...

Mga Pahina