-->

Ang Pinili ni Uncle Ben

By Unknown - Enero 06, 2018



ANG PINILI NI UNCLE BEN
Isinalin ni Delfin Tolentino Jr.
Mula sa 'Uncle Ben's Choice' ni Chinua Achebe
Sinuri ng ika-Unang Pangkat ng Sodium


1. PAGKILALA SA MAY AKDA Kilala bilang isa sa mga pinakamahusay na manunulat si Albert Chinụalụmọgụ Achebe noong ika-dalawampung siglo. Isa sa kanyang mga naisulat ay ang 'Uncle Ben's Choice' o 'Ang Pinili ni Uncle Ben' ay isang mahiwagang storya na bumabalot sa elemento ng pagpili ng tao. Sa pangkalahatan, ang mga sinulat ni Achebe ay nagpapakita ng pagkakaiba-iba sa kultura sa lipunan ng mga African.

  Ang kwento ni Jolly Ben ay hango sa tunay na nangyayari sa mga kabataan. Marami sa mga kabataan ngayon ay mapupusok at padalos-dalos sa kanila ng mga desisyon kaya marami sa kabataan ngayon ang na uuwi sa kawalan. Eto marahil ang nag-udyok sa may akda na lumikha ng kwento ng isang kabataan nagaya ni Jolly Ben, isang ordinaryong kabataan na nagnanais din tumikim ng kaligayahan ngunit may pagpapahalaga sa tama. Marahil ito ang dahilan ng may akda na may kabataan pa na mas pinahahalagahan ang bilis ng pag-angat sa buhay kesa sa paghahanap ng tunay na pagmamahal. Nais nyang ipabatid sa kabataan na ang lahat ay maaring mo gawin ngunit dapat ito muna ay iyong pag-isipan. Ninanais ng may akda na ipakita sa lahat ng ang buhay ay naka-depende sa desisyon na iyong gagawin.

2. URI NG PANITIKAN
                    Ang "Ang Pinili ni Uncle Ben" ay isang uri ng panitikang ANEKDOTA.
Ang anekdota ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ang akdang ito ay tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao na si Jolly Ben, kung saan siya ay binisita ng Diwata ng Niger noong siya ang pumalit bilang senior clerk, ang diwatang ito ay si Mami Wata. Dito matutunghayan ang pasiya at pagtitimbang-timbang ng pamilya o kayamanan

3. LAYUNIN NG AKDA
                    Ang akda ay naglalayong magturo sa mga mambabasa na ang pagdedesisyon ng maigi ay mahalaga. Kailangan mong isipin kung ano ang magiging bunga nito kaya huwag padalos-dalos sa pagdedesisyon dahil kapag nagkamali ka, hindi mo na maibabalik ito.
                    Ang "Ang Pinili ni Uncle Ben" ay sumasailalim sa teoryang MORALISTIKO. Layunin nito na mailahad ang ibat't ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali. Ito ay nagtuturo ng pagtitimbang sa tama o mali, tamang pagpapahalaga na maaring magamit sa pang araw araw na pamumuhay.
                   


4. TEMA O PAKSA NG AKDA
                    Ang tema o paksa ay tungkol sa importansya ng pamilya para sa kultura ng mga Nigerian.Mas pinili ni Uncle Ben na makuntento sa kanyang sariling kultura. Mas pinili ni Uncle Ben na tiisin ang kanyang mga materyal na paghahangad at talikuran si Mami Wata. Ipinapakita lang din ng manunulat kung ano ang halaga ng kayamanan kung wala ka namang pamilya na pagbabahagian nito.

 5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Uncle Ben - kilala rin bilang Jolly Ben: isa syang clerk sa Niger company sa Umuru, kasali sya sa african club kung saan siya ay naglalaro ng tennis at bilyar
Doktor na Aleman - pinaalahanan si Uncle ben na kasing itim na ng kaldero ang kanyang puso dahil sa paninigarilyo
Senior Clerk - nakulong dahil sa pagnanakaw ng ilang paldo ng kaliko
G.B Olivant - nakatira sa lugar na makikita sa Ilog Niger
Mami Wata - diwata ng Niger na bumisita sa bahay ni Uncle ben para ito ay akitin
Matthew Obi - kaibigan ni Uncle Ben
Dr. Jm Stuart young - isang komersiyanteng maputi at ang pinakamayamang tao sa buong Niger
Margaret - isang babae na manilaw nilaw ang balat at inimbita si Uncle Ben na maging isang katoliko

6. TAGPUAN/PANAHON
                    Panahon noong taong mil nuwebe siyentos disinuwebe.  Ang unang tagpuan ay sa Niger Company sa Umuru kung saan nagtratrabaho siya bilang clerk siya ay si Uncle Ben. Pangalawang tagpuan ay sa club kung saan siya gusto nyang manood ng sayawan tuwing sabado. Pangatlong tagpuan ay sa simbahan malapit kila uncle ben kung saan nagkita sila ni Margaret at sinabi nito na gusto nyang maging romano katoliko si uncle ben.  Pangapat na tagpuan ay sa kanilang bahay kung
saan matatanaw mo ang ilog niger, siya ay binisita ni Mami Wata. Panglimang tagpuan ay sa bahay  ni Matthew kung saan dun siya nabasbasan at nalaman na binisita ako ni Mami Wata ang diwata ng Niger

7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
                    Ang "Uncle Ben's choice" ay isang storya na ipinapakita ang paggawa ng desisyon ng tao. Ipinapakita rin nito ang likas na moralidad ng mga lalaki sa lipunan. Madali lamang intindihin ang mensahe ng may-akda. Nagsimula ito sa pagbibigay ng detalye para makilala ang karakter na si Jolly Ben. Habang binabasa mo ang kwento, makikita natin na malaki ang pag-iingat nya pagdating sa mga babae. Makikita din natin ang kanyang kontrol sa sarili at mas mataas ang pamumuhay niya kumapara sa iba pang-karaniwang African, hindi lang yon, mas nakatuon ang kanyang pansin sa tagumpay at materyal na bagay. Ito ang naging dahilan kung bakit napukaw niya ang atensyon ni Mami Wota.
                   May ilang pangyayari sa akdang ito ang hindi pangkaraniwan. Katulad ng diwata na ibibigay niya ang tagumpay, salapi, materyal na bagay, at kahit ano ninanais mo maliban sa isa, ang pakasalan mo siya. Pinapakita sa aral ng kwentong ito na ang pamilya ang tunay nating kayamanan, kung gaano kahalaga ang pamilya kaysa sa salapi at materyal na bagay.

8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
•Huwag maging padalos-dalos sa pagdedesisyon dahil lahat ng ito ay magkakaroon ng epekto sa ating buhay at pagkatao.
•Hindi kailanman matutumbasan ng kayamanan ang kasiyahan.
•Kilalanin ang mga taong nakapaligid sayo dahil dun mo malalaman kung mabuti o masama ang intensyon nito sa buhay mo.
•Hindi dapat tayo gumagawa ng mga bagay na hindi natin kayang panindigan ang kalalabasan.
•Lahat ng tao ay may kakayahang mag isip ng tama o mali.

9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
                    Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay parang nagkukwento lamang ng isang salaysay na nagbibigay imahe rin sa lipunan ng may akda. Ang akda ay gumamit ng mga bokabularyo at mga wika o lenggwahe na pamilyar sa atin kung saan marami sa atin ang makakaintindi. Ngunit gumamit din ng wikang maaring hindi natin alam katulad ng sinabing “Biko akpakwana oku”. Naging impormal ang dating nito dahil mararamdaman ang pagiging komportable nito sa paraan ng pagkukuwento. Mapapansin din sa akda na sa iba't ibang sitwasyon ay parang may kasabihan, katulad ng sinabi ni Uncle Ben na ayaw niyang pinupuntahan siya ng mga babae sa bahay at sumunod ay may naka-quote na “For every rule there must be an exception”. Isa pang katulad nito ay sa bahagi na kung saan ang mga lalaki ay nagpakahangal sa mga babae ng Uhuru at sumunod ang naka-quote na “Mag-ingat kapag labis na magiliw ang pagbati sa iyo.” Sa kwentong binasa natin naipakita ng may akda ang kanyang pagiging malikhain sa tulong ng mga pangyayaring naganap at ang mga tauhan nito.
 10. BUOD
                    Ito ay isang kuwento na sinasabi ng pangunahing karakter, si Uncle Ben.
Nagsabi siya ng mga aral na itunuro sa kanya ng kanyang ama kagaya ng pagiging maingat sa mga babae at pagkakaroon ng kontrol sa sarili kapag umiinom. Isang gabi, napagtanto nya na marami-rami na syang nainom kaya sumakay na siya sa kanyang bisekletang Raleigh at umuwi. Dumating siya sa bahay at umakyat ng kama kung saan napagtanto niya na may babae sa kanyang higaan na naghihintay para sa kanya. Tinanong niya ang babae kung sino ito at ang sumunod na bagay alam nya na lang ay kinakalampag niya ang pinto ng kapitbaha ng walang kamalay-malay kung ano na ang nangyari sa babae. Sa wakas ay dumating na din siya sa konklusyon na binisita siya ni Mami Wota, ang diwatang tagapagdala ng tagumpay at kayamanan ngunit hindi mo ito pwedeng mapakasalan. Pagkalipas ng ilang taon ay napagtanto ni Uncle Ben na hindi siya sumama kay Mami Wota. Kahit na bibigyan siya ito ng tagumpay at kayamanan, hindi naman siya nito mabibigyan ng mga anak o mas nakakahalaga ng higit pa kaysa sa kahit anumang kapalaran. Siya ay masaya sa kanyang pinili at sinabing ang mga materyal na bagay ay hindi mo madadala sa iyong pagkamatay. Ikaw? Anong klase ng kayamanan ang iyong gusto?

  • Share:

You Might Also Like

0 (mga) komento

Ang Pinili ni Uncle Ben

ANG PINILI NI UNCLE BEN Isinalin ni Delfin Tolentino Jr. Mula sa 'Uncle Ben's Choice' ni Chinua Achebe Sinuri ng ika-Unang...

Mga Pahina