Handa Akong Mamatay
By Ikalawang Pangkat - Enero 04, 2018
Talumpati mula
South Africa
Isinalin ni Doyle
Camba
Mula sa "I am
Prepared to Die" ni Nelson Mandela
1. PAGKILALA SA
MAY-AKDA:
Si Nelson Rolihlahla Mandela ay ang kaunaunahang hindi
puting presidente ng Timog Africa na nanungkulan mula taong 1994 hanggang 1999.
Kilala itong anti-aparheid icon dahil sa pakikipaglaban sa apartheid system o
ang sistema ng racial segregation noon ng Timog Africa. Sa kanya ring pag-upo
bilang pangulo, nilabanan ni Mandela ang kahirapan at deskriminasyon at
isinulong ang rekonsilasyon ng iba’t ibang lahi. Kilala din siyang founding
father ng demoskrasya sa Timog Africa.
Taong 1962, inarestong muli si Mandela at nahatulan ng
habang buhay na pagkakabilanggo dahil sa pananabotahe at pakikipagsabwatan
upang pabagsakin ang gobyerno. Pagkatapos ng 28-taon, inilabas si Mandela sa
kulungan noong 1990. Nakipagtulungan siya sa pamahalaan ni President F.W. Klerk
upang makapagtatag ng bagong konstitusyon sa Timog Africa. Ito na ang hudyat ng
pagkawala ng apartheid. Ang dalawang pinuno ay pinarangalan ng Nobel Peace
Prize noong 1993 para sa kanilang kahanga-hangang hakbang sa pagbabago at
kapayapaan.
Pumanaw ang dating pangulo ng Timog Africa noong
Disyembre 2012, sa edad na 95-anyos dahil sa sakit sa gallstones. Hanggang
ngayon nagsisilbi siyang “Uniting Force” ng South Africa at patuloy na
nirrerespeto bilang “Father of the Nation”.
2. URI NG
PANITIKAN:
Ginamit ng may-akda ay isang talumpati kung saan siya ay
nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o bigkasin sa harap ng mga taong handang
magsipakinig. Ito ay isang ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na
mga tao.
3. LAYUNIN NG AKDA:
Naglalayon ang akda na ipahatid sa mga mambabasa ang mga
suliranin ng mga taga-South Africa at ang matinding diskriminasyon na kanilang
kinakaharap. Layunin din nito na ihayag ang maraming hamon sa buhay ng mga
“itim” na nagsisilbing balakid upang magkaroon ng pagkakataong mapaunlad ang
kanilang sarili at ang kanilang lipunan. Ang akda rin ay naglalayong mag-udyok
sa mga taong kapwa biktima ng diskriminasyon na lumaban para sa kanilang
kinabukasan at kalayaan.
PAGLALAPAT NG
TEORYANG PAMPANITIKAN:
Ang akda ay maaring malapatan ng Teoryang Marksismo sapagkat
may kakayahan ang mga “itim” na umangat ang kanilang pamumuhay at tuldukan ang
pagdurusang dulot ng mga suliranin sa lipunan. Inihayag ng may-akda ang kanyang
disgusto ukol sa kasalukuyang sistema na umiiral sa South Africa at naghangad
ng pagbabago. Kung magbabalik-tanaw sa unang talata ng akda, winika ni Nelson
Mandala, “Hindi tayo yuyuko at walang tayong mapagpipilian kung hindi lumaban
sa abot ng ating lakas upang proteksiyonan ang ating mamamayan, ang ating
kinabukasan, at ang ating kalayaan.”
Mailalapat din ang Teoryang Sosyolohikal dahil inilahad
ang pinagdadaanang suliranin ng may-akda at ng lipunang kanyang kinabibilangan.
Masasalamin sa akda ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga taga-South Africa at
kung paano lubhang naapektuhan ang kanilang araw-araw na pamumuhay dahil sa
diskriminasyon. Ang mga pagsubok na ito ay nagsisilbing hadlang sa kakayahan ng
mga itim na ibigay ang kanilang buong kapasidad sa iba’t ibang larangan ng
buhay.
4. TEMA O PAKSA NG
AKDA:
Ang tema ng talumpati ay tungkol sa pag-ahon sa
pagkalugmok. Ang kontinenteng Africa ay kilala bilang pinakamahirap na
kontinente sa buong mundo. Nababalot sa pangungutya, rasismo at pangmamaliit
ang mga nakatira rito, kaya't ang kanilang tanging hiling ay ang pantay na
karapatan sa pagitan ng mga "Puti" at "Itim". Maliban sa
kahirapan, lumilitaw sa South Africa ang diskriminasyon. Diskriminasyon dahil
sa kulay ng kanilang balat. Kailangang masolusyunan ang kahirapang kinahaharap
ng mga itim upang guminhawa ang kanilang pamumuhay.
5. MGA
TAUHAN/KARAKTER SA AKDA:
Masasabing hindi kathang-isip o gawa-gawa lamang ang mga
karakter sa akda bagkus, ay mga totoong tao na lubhang apektado ng diskriminasyon.
Kapansin-pansin ang pagpabor ng pamahalaan sa mga puti. Nawawalan na
pagkakapantay-pantay ang mga mamamayan sa South Africa.
6.
TAGPUAN/PANAHON:
Ang tagpuan ay sa South Africa at nangyari ito noong
1961. Maaaring matagal na panahon na ang lumipas buhat nang subukan nilang
baguhin ang hindi pagkakapantay-pantay sa mata ng lipunan, ngunit ang isyu ng
diskriminasyon ay masasalamin hanggang ngayon sa kasalukuyang panahon.
7. NILALAMAN O
BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
Ang nilalaman ng kaniyang talumpati ay patungkol sa
pagkakaiba ng pamumuhay ng mga African sa mga puti sa bansang South Africa.
Nilalaman din ito ng mga ninanais makamit ng may-akda at ang nagtalumpati na si
Mandela sa kaniyang buhay. Kung
saan ito ay ang hindi pagkapantay-pantay na pagtingin at pagtrato na nagaganap
sa South Africa. Sa orihinal na kanyang talumpati ay kanyang ibinangit ang mga katagang
ito, “ I have fought against white domination and I have fought against black domination.”
Ipinapakita na ang kaniyang intensyon sa
kanyang talumpati ay hindi lamang upang ipaglaban ang black community ng South
Africa kundi para maisulong ang pagkakapantay-pantay. Lumaban si Mandela upang
magkaroon ng pagkapantay-pantay na pagtingin sa mga mamamayan ng South Africa,
puti man o African. Pantay na oportunidad, pag-aaral, at karapatang pampulitika
ay ang kaniyang ipinaglaban sa kaniyang buhay.
8. MGA KAISIPAN O
IDEYANG TAGLAY NG AKDA:
Ang mga sumusunod ay ang kaispan o ideyang nakapaloob sa
talumpati :
• Hindi
basehan ang kulay ng isang tao para malaman kung ano ang kanyang kakayahan,
hindi rin ito bashehan kung paano natin tatruhin o hatulan ang bawat isa . Base nga sa bibliya : John 7:24 “Huwag kayong
magsihatol ayon sa anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol.” Hindi
man pare-pareho ang kulay ng ating balat, naniniwala ako na pare-pareho naman
ang kulay ng ating kaluluwa.
• Patuloy
maniwala sa sariling kakayahan o karapatan bilang mamamayan ng isang bansa at
ipaglaban kung ano ang tama at makabubuti sa bawat isa.
• Huwag
natin hayaang makulong ang ating bansa sa ilalim ng mapang-abusong pamamalakad
9. ESTILO NG
PAGKAKASULAT NG AKDA:
Sa unang pagbasa, mauunawaan agad ng mga mambabasa ang nais
ilahad ng may akda. Ito ay ang ipaglaban ang kanilang kalayaan. Ang ginamit na
estilo ni Nelson Mandela ay masyadong seryoso at maramdamin, ito ay masasabi
dahil ang kapwa niyang Aprikano ay pinaglalaban niya ang nararapat na karapatan
sa kanilang sariling bansa.
Sa akda
ipinapakita ang hangarin ng mga itim ang pantay ang pagtingin, dahil nawawalan
ang mga Aprikano ng dignidad bilang tao dahil sa diskriminasyong natatanggap
galing sa mga mapuputi.
Si Nelson
Mandela ay naglakas loob isiwalat ang katotohanan, nangyayari, o nakikita niya
sa sarili niyang lipunan upang maimulat ang mga mata ng mga tao na gumising sa
ginagawang masama sa tao.
10. BUOD:
Dumating na ang araw sa South Africa kung yuyuko ba o
lalaban. Hindi tayo yuyuko at wala tayong mapagpipilian kung hindi lumaban sa
abot ng ating lakas upang proteksiyonan ang ating mamamayan, ang ating
kinabukasan, at ang ating kalayaan. Ito ang aking posisyon noong Hunyo ng 1961
nang iginiit namin ang pagbabago ng polisiya ng National Liberation Movement.
Sa kabuuan, nilalabanan naming ang dalawang aspekto ng buhay-African sa South
Africa (kahirapan at kawalan ng dignidad) na nakatala sa saligang batas na nais
naming tanggalin. Namumuhay ang mga puti sa karangyaan, samantalang ang mga
African ay namumuhay sa karukhaan. Ang dalawang paraan para makalaya sa
kahirapan ay sa pamamagitan ng pormal na edukasyon at sa pamamgitan ng
pagpapataas o pagpaparami ng manggagawa sa kanyang kakayahan. Ngunit, ang mga
ito ay nahahadlangan dahil sa pamamahala ng mga puti. Ang mga African ay lalong
naghihirap at ang mga puti naman ay lalong nakikinabang. Ang nais namin ay
pantay na karapatan, dahil kung wala ang mga ito, kami’y panghabang-buhay na
magiging lumpo. Alam kong, para sa mga puti sa aking bansa, Ito’y
rebolusyonaryo, sapagkat ang nakararaming botante ay mga African. Sa
demokrasya, tila natatakot ang mga puti.
0 (mga) komento