Mga Talutot na Dugo
By Unknown - Enero 05, 2018
Mga Talulot na Dugo
(Petals of Blood)
Isinulat ni Ngugi Wa Thiong’o
Isinalin ni Romeo G. Dizon
Sinuri ng Grupo 3
Si Ngugi wa Thiong’o (James Thiong’o Ngugi) ay pinanganak noong Enero 5, 1938 sa Limuru, Kenya. Siya ay isang tanyag na nobelista sa East Africa at ang kanyang pinaka sikat na nobela, Weep Not, Child (1964), ay ang unang pangunahing nobela na isinulat sa inggles ng isang East African. Nung siya’y nahikayat sa mga epekto ng kolonyalismo sa Africa, ginamit niya ang kanyang tradisyinal na pangalan at nagsulat ng literatura gamit ang Bantu, ang wika ng mga Kikuyu sa Kenya. Inirepresenta niya ang kanyang mga ideya ukol sa literatura, cultura, at politiko sa mga sanaysay tulad ng In Decolonising the Mind: The Politics of Language in African Literature (1986) kung saan inilaban niya na ang tanging paraan upang mailahad ng mga Aprikano ang kanilang saloobin at hinaing at ang paggamit ng kanilang sariling wika at dahil doon, siya ay magsusulat lamang sa Kikuyu o Kiswahili mula sa puntong iyon.
Nagkaroon siya ng reputasyon bilang isa sa mga pinaka-nakapagsalita sa panlipunan kritiko Africa. Matapos ang isang mahabang pagkakatapon mula sa Kenya, si Ngugi ay bumalik noong 2004 kasama ang kanyang asawa upang itaguyod ang Mourogi ay Kagogo.
Ang pagpapahirap ng mga elitista sa mga mahihirap ang nagudyok kay Thiong’o na isulat ang kanyang nobelang Mga Talulot na Dugo (Petals of Blood) upang magising ang diwa ng kanyang mga kababayang Kenya tulad ng Kenya Land and Freedom Army (Mau Mau) na lumalaban sa mga Europeong naninirahan sa kanilang lugar upang makamit ang kanilang kasarinlan. Dahil sa kanyang nobela, siya ay inaresto at ikinulong ng hindi pa siya nasasakdal.
Uri ng Panitikan
Gaya ni Jose Rizal, ginamit ni Thiong’o ang nobela upang magising ang kamalayan ng kanyang mga kababayan sa mga problema na kinakaharap ng kanyang lipunan gaya ng pang-aapi ng mga elitista sa mga mahihirap. Ang nobela ay isang mahabang kwento na binubuo ng mga kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salitao 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
Layunin ng Akda
TEORYANG SOSYOLOHIKAL
Layunin ng akda na mamulat ang mga isipan ng mga taga-Kenya sa mga problemang kinakaharap ng kanilang lipunan gaya ng pagpapahirap ng mga mayayaman sa mga mahihirap at ang mga pekulyar na kultura, paniniwala, ritwal, at iba pa dulot ng pananakop ng mga Europeo. Ipinakikita sa nobelang ito ang paglaban ng mga Aprikano sa mga sitwasyong nangyare noong sila’y sinakop ng mga Europeo sa katauhan ng mga pangunahung karakter sa nobela. Hindi naging balakid sa kanila ang pagkaiba-iba ng kanilang estado sa buhay. Sila ay nagkaisa upang maresulba ang mga problema na kinaharap.
Tema o Paksa ng Akda
Fiction dahil ang mga karakter at pangyayari,ngunit ito ay masasalamin sa nangyayari noon sa buhay noon sa bansang aprika.
Ang tema o paksa ng akda ay makabuluhan dahil pinapakita sa Mga talutot ng Dugo ay ang pagkakaroon ng edukasyon sa isang lugar na walang guro Pinakita dito ang isang guro na pumunta sa lugar ng illmorog upang magturo sa mga tao na nakatira doon.Subalit walang pumapasok sa kanyang klase at mas pinili nalang ng mga bata na tumulong nalang sa kanilang mga pamilya para sa trabaho imbis na mag aral hanggang sa nag ka problema na sa pagtuturo si godfrey pero di siya nawalan ng pag asa at hindi sumuko sa mga bata at ngumiti na gusto niyang bumalik ulit sa lugar nila at nagpatuloy mag turo kasi alam niya edukasyon ang susi para sa mga kinabukasan nila.
Mga Tauhan/Karakter sa Akda
Godfrey Munira - Ang pangunahing tauhan sa akda; Isang guro
Abdulla - isang demonyo.
Nyakinyua - matandang babae
Ndemi - isang espiritu na minsa’y nagtanod sa baying Ilmorog bago dumating ang imperyalismo.
Muriuki - anak ni Wambui; isa sa mga nawawalang mag-aaral
Matandang babae - isang misteryosong lola na nakausap ni Munira
Joseph - kasama ni Abdulla
Tandang Njogu - ikwinento ukol kay Dharamshah
Muturi - pesante; athamaki ng nagsasakang komunidad
Njuguna - pesante; athamaki ng nagsasakang komunidad
Ruoro - pesante; athamaki ng nagsasakang komunidad
Mwathi wa Mugo - dibinador na pinupuntahan ng mga athamaki pag-malala ang problema
Tagpuan/Panahon
*Ilomorog - Dito nagpakita si Godfrey Munira kasama ng kanyang kabayong bakal.
*Paaralan - kung saan magtatrabaho si Munira
*Akasya - kung saan tumae ang isang matanda
*1960 paglilimi ni Munira nang may kauunting kabiguan
*Tagaytay - Minsan tumatakbo si Munira dito
*Panahon ng Pananakop ng Europeo sa Africa
*.Palengke - mapagkukunan ng asin, paminta atbp.
* Taniman ng kape- Dating pagmamay-ari ng mga puti.
* Kapitolyo ng distrito ng Chiri- Dito patungo si Munira.
Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari
Tulad ng mga ibang nobela, may malalim na kahulugan ang bawat salita, pangyayari, at ang mga papel na ginagampanan ng bawat tauhan sa kwento. Makabuluhan parin ang nobelang ito dahil ang mga pangyayari dati na nakasaad sa akdang ito ay nangyayari pa rin hanggang ngayon sa iba’t ibang lugar sa mundo. Makikita sa mga linyang “-isang uri ng daan - na ngayon ay hindi nag-iwan ng bakas ng dati niyang mapanghuthot na kabanatugan.” na sa kabila ng lahat ng mga problema na kanyang kinaharap, nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay, at bagaman nagbigay ito sa kanya ng sakit, sa pamamagitan nito, nakita niya ang pag-asa.
Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
Iniwan tayo ng ating mga kabataan at tinawag ng kumikinang na bakal ay isang paraan para ipakita ang pagkawala ng tamang landas ng darating na henerasyon(bata)at iniwan para sa bakal na maaring simbolismo ng mineral o yaman sa isang naghihirap na sitwasyon
Estilo ng Pagkakasulat ng Akda
Gamit ng mga simbolismo, mga karakter sa kwento, tagpuan, at iba pa, naparating ni Thiong’o ang mensaheng gusto niyang mabatid ng mga mambabasa - ang hindi pagkapantay-pantay at kawalan ng hustiya na nararanasan ng mga tao ng Kenya.
Buod
Pumunta sa Ilmorog si Godfrey Murina na nakasakay sa kabayong bakal patungo sa pintuan ng malumot at may dalawang kuwartong bahay sa dating bakuran ng isang paaralan. Bumaba siya sa kabayo at siya ay nakatayo habang nakapamaywang. Ang mga mata’y minamasdan ang abuhin at tuyong lumot ng dating mamuti-muti’t dilaw na pader. Sinubukan nyang pumunta sa pinto at sinubukan ang seradura habang itinutulak ito ng kanyang balikat. Lumagapak siyang pumasok sa isang silid na puno ng patay na mga gagamba at ang pakpak ng mga langaw ay nasa mga agiw sa lahat ng mga pader hanggang sa mga media-agua. Hinde nag tagal at may balitang dumating sa Ilmorog. Nanatili si Munira sa paaralan,at pagkaraan ng isang buwan bumubulong lahat sila sa kanilang sarili, akala nila sila ay medyo nasisiraan na.At mayroong batang gumuguhit ng mga tanda sa lupa sa pamamagitan ng daliri ng kanang paa. “ewan ko, ewan ko,” sabi niya na parang maiiyak. Pinawalan ni Munira pagkaraang makapangako na babalik si Muriuki at isasampa pa ang iba. Kaya bumalik sila nang may pag-iingat. Hinintay niya si Munira sa kabila ng Kei-apple na bakod ng paaralan.Si Abdulla’y bagong salta rin sa Ilmorog. Siya at patpating si joseph ay dumating sa amin sakay ng isang karitong hila-hila ng asno at puno ng iba’t ibang uri ng mga sufurias at mga plato at mumurahing kumot na ibinuhol para maging pansamantalang mga supot. Pumasok si Munira sa lugar sa pamamagitan ng pintuan sa likod at naupo sa gilid ng isang lumalangitngit na bangko. Nakapagtataka iyon, binulong niyang muli sa sarili, samantalang ginugunita ang pagtatagpo sa matandang babae habang hinihintay niyang dalhan siya ng beer na Tusker ni Joseph. Hinde pa siya nagsisimula ng kanyang pag-inom ay may sumali sa kanyang mesa na tatlong matipuno na lalake. Sila ang mga pantas na mga tao, ang athamaki ng nagsasakang komunidad. Sila ang mga lumulutas ng mga hidwaan ng lahat. Si Njugunay ay may ambisyon na makapagsuot siya ng ngome sa mga buko ng kanyang mga daliri. Walang hilig si Munira sa pagsasaka. Palaging napag-uusapan ng mga magbubukid na sila’y pinagbabantaan ng pagdating ng tagtuyot, wari bang ang pagsisiwalat ng kanilang mga pangamba ay makapipigil sa pagdating ng ganitong mga kapahamakan. Pinuri naman ni Muturi si Munira. Sinamantala naman ni Munira ang pagkakataon para ipaliwanag nang mabuti ang mga pag-asam sa hinaharap ng paaralan at ipinakiusap ang kanilang pakikiisa. Minsang pag tumakbo-takbo sa tagaytay, nakahuli ng ilan at sinabihan niyang sabihan ang iba pa na siya’y nagtawag ng asamblea sa paaralan. Ngunit lima lang ang sumipot pero sya ay nagpatuloy sa kanyang asamblea. Isang lugar na napakalinis at maayos ang opisina ni Mzigo. Nakipag-usap siya kay Mzigo tungkol sa paaralan. Inisip ni Munira si Abdulla ng sya’y tanungin ni Mzigo. Marahil hindi niya naunawaan sina Nyakinyua, Abdulla, at lahat pa ng iba, napaglimi-limi niya ngayon. Wala siyang binanggit na anuman ukol sa kanyang pagbibitiw o balak na pagpapalipat .Nangolelta siya ng mga tisa aklat pansanay,at mga papel sulatin “G.Mzigo ,seyoso ba kayo…totoo ba ang sinabi mo ngayon ?”Na ako’y makakapangalan ng tulog mula sa UT?” “Oo G. Munira basta dalhin mo sila sa akin para mabigyan ng pormal na paghirang Gusto kong makitang lumaki ang paaralan na iyan.
0 (mga) komento